May asim pa…

October 16, 2009 at 2:26 pm (Uncategorized)

SINIGANG..

Isa sa mga maituturing na tunay na pagkaing Pilipino. Dahil ito ay madaling gawin, masarap kainin at masustansya. Halos lahat ng Pilipino ay alam lutuin ang sinigang.  Masustansya ito dahil  sa kumpletong sangkap na tinataglay nito na kailangan ng ating katawan, tulad ng protina, bitamina at mineral, at karbohaydreyts. Ang kadalasang hinhalo sa sinigang ay kamatis, sibuyas, kangkong, labanos, gabi, okra at marami pang iba, depende na talaga ito sa nagluluto, dahil maraming klase ng gulay ang maaaring ilagay sa sinigang.

Ito ay pinaparehas sa mainit at umuusok na kanin. maraming uri ng sinigang, depende ito sa pampaasim na ginagamit o sa sangkap na hinahalo dito.

SINIGANG DEPENDE SA PAMPAASIM:

a. sinigang sa miso

 

b. sinigang sa sampalok

c. sinigang sa santol

Tingnan ang buong laki ng larawan

 

 

 

 

 

 

d. sinigang sa bayabas

SINIGANG DEPENDE SA HINALONG SANGKAP:

a. sinigang na baboy

b. sinigang na baka

c. sinigang na isda

d. sinigang na hipon

 

Nina Nichola T. Galang   BSM 1B

Permalink Leave a Comment

aaaaadooooobuuuuu

October 16, 2009 at 10:54 am (Uncategorized)

Lht ng mga Pilipino ay may kanya-knyang kinahi2ligan…

prang aq…

mhilig sa adobo…

lalo nah kpg ang papa qou ang ngluto…

kasi npkasarp kpg adobo ang nilu2to nya…

napa2kalahati qou ang kanin sa aming kaldero kpg adobo ang ulam…

pero d lng adobo ang masarp kpg luto nya…

marami png iba…

peo adobo ang nangu2na pra sa aken…

Sabi ng papa qou…

pra rw ms msarap ang paglu2to…

haluan dw ito ng pgma2hal…

cguro kya npakasarap ng luto ng pa2 qou…

kc…

itz full of love…

Ganito nga pla ang pglu2to ng ADOBO:

Mga Sangkap:

½ karne (manok,baboy)
½ basong suka, at kung wala ay kahit ikaapat na bahagi ng isang tasang
pamigang dayap o kalamansi o kalamunding
½ librang karne
10 butil na bawang
½ kutsarang tinunaw na atswete, at kaunting rekado

Paraan;

Sa isang basong tubig ay lulutuing lahat ang magkakahalong ito at pabayaang mapiga ang tubig sa pagkasigang hanggang walang matira kundi malapot na salsa ng mantika.

Tingnan ang buong laki ng larawan

ADOBONG MANOK

Di nga lng pla manok at baboy ang pwedeng gawing adobo…

pwede rin ang gulay…

tulad ng sitaw at kangkong…

Tingnan ang buong laki ng larawan

ADOBONG SITAW AT KANGKONG

at marami png iba…

Meon png ibng klase at luto ang adobo…

ADOBONG MAY GATA

Npaka daeng luto ng adobo noh???

lht ng luto nah un eh npakasarap…

at kpg iyong nakaen…

cguradong ha2nap-hanapen mo…

kya kung gusto mong maka-ranas ng ibang kacyahan…

halika’t kumaen tayo ng malinamnam at masarap nah…

ADOBO…

Published by:

Lileth Sarmiento

BS Math !-B

Permalink Leave a Comment

LUMPIA-RITO…

October 16, 2009 at 2:57 am (Uncategorized)

Ito ay isang uri ng pagkaing Pinoy na gawa sa pinagsama-samang togue,kamote,patatas,at carrots na binalot sa lumpia wrapper.Kadalasan din itong nilalagyan ng giniling na karne ng baboy at tokwa upang mas lalong sumarap.Ito ay maaaring kainin kahit anung oras..sa agahan,tanghalian,hapunan at kadalasan din sa meryenda.Patok na patok sa panlasang Pinoy ang lumpia.Ito ay pwedeng kainin may kanin man o wala.Wala ding pinipiling panahon ang pagkain nito.Masarap kainin lalo na kung may kapares na suka na may sili.

Bukod sa ordinaryong lumpiang togue may iba’t iba pang uri nito.Katulad ng mga sumusunod:

LUMPIANG SARIWA

  

LUMPIANG SHANGHAI

  

LUMPIANG ISDA

LUMPIANG UBOD

 

Zeta, Roselle C.  BSM 1B

 

Permalink Leave a Comment

bulalo

October 16, 2009 at 2:41 am (Uncategorized)

Yummy Bulalo

bulalo ito ang tawag sa mga buto ng baboy at madalas lutuin sa mga karenderia. ako din ay kumakain nun pero pahirapan kainin pero ok lang masarap naman eh yummy!.:).Yung iba nga gumagamit pa ngkutsara para makain ung utak.Utak ang tawag nila dun sa dugo na nasa loob ng buto ng baboy.Kahit ako ginagawa ko din yun heheheh

bulalo ito ang tawag sa mga buto ng baboy at madalas lutuin sa mga karenderia. ako din ay kumakain nun pero pahirapan kainin pero ok lang masarap naman eh yummy!.:).Yung iba nga gumagamit pa ngkutsara para makain ung utak.Utak ang tawag nila dun sa dugo na nasa loob ng buto ng baboy.Kahit ako ginagawa ko din yun heheheh

by:Gerald rodriguez

Permalink Leave a Comment

October 15, 2009 at 10:47 am (Uncategorized)

PAMBANSANG PAGKAIN NG PILIPINAS!!!

LECHON

Mawawala ba sa mga Pista ang Lechon? Syempre hindi, sa sarap ba naman ng Lechon? Isawsaw mo pa sa napakasarap na Sarsa. Siguraduhin mo lang na wala kang sakit sa puso at baka atakihin ka.ahaha..

tnx sir!

Wineld Glhen L. Aragones, BSM 1B

Permalink Leave a Comment

BLOODYlicious

October 14, 2009 at 7:52 am (Uncategorized)

102396084_ae10f803c8PUTO && DINUGUAN

Basta pagkaing pinoy ang pinag uusapan, hindi magpapahuli

ang Puto’t dinuguan dyan!  Wag muna husgaan ang itsura

dahil pag natikman, magugustuhan mo tiyak.

Ang dinuguan ay gawa sa laman ng baboy, mga lamang loob

nito gaya ng bituka, isaw, etc. at syempre ang pinaka

main ingridients ay ang DUGO ng baboy. Nilalagyan din ito

ng suka para mapreserve at magkaroon ng maasim na lasa.

Ang puto naman ay kakambal na ng Dinuguan pag dating

sa panglasa ng mga Pinoy.  Kabaligtaran ng puting kulay

nito ang itim ng sabaw ng dinuguan. Hindi mawawala ang

Puto pag dinuguan na meryenda ang pinag uusapan.

Puto’t dinuguan, isa sa mga pagkaing nagbigay kulay

sa mayamang kultura ng mga Pilipino.

EFRAIM HAZEL C. REYES

Permalink Leave a Comment

October 12, 2009 at 6:46 am (Uncategorized)

Pandesal

Pandesal

Ito ay isang pagkaing Pinoy na nangangahulugang “tinapay na may asin”. Ito ang pinakapopular na yeast-raised sa ating bansa. Ito ay madalas tinitinda pag umaga. Nabibili ito sa bakery o kaya naman ay may mga naglalako.  Madalas itong kinakain tuwing agahan kasama ng kape. Ang mga panaderya sa mga partikular na mga lungsod at bayan, tulad ng Pampanga at Bulacan ay gumawa ng mas mahusay na kalidad ng pandesal at bilang isang resulta, ang presyo nila ay tumaas, pero marami pa din ang tumatangkilik o bumibili.

Champorado at Tuyo

 

Champorado at Tuyo

 Isang matamis na tsokolateng linugaw. Ito ay gawa sa kumukulong malagkit at matamis na bigas at powdered tsokolate na   nagbibigay ngkayumangging kulay.Ito ay maaaring kainin ng mainit o malamig na at may gatas at asukal para lumasa. Ito ay kadalasang nagsilbing almusal at ang kapartner nito ay tuyo.

 

Lugaw

 

800px-Home_-_Dinner

Isang uri ng lutuing may sabaw, nilutong bigas, at sahog. nakaugalian na nating inihahanda ito para sa batang may sakit.

Ang nga Pilipino ay may iba’t ibang uri ng ligaw. Ang mga ito ay:

  • lugaw isda (may hinimay na laman ng isda)
  • lugaw hibi
  • lugaw tokwa
  • lugaw tokwa’t baboy
  • lugaw dila
  • lugaw itlog
  • lugaw tokneneng
  • nilugawang manok (aruskaldo)
  • lugaw utak
  • lugaw tainga
  • lugaw #5 (may utin o bayag ng baka)
  • lugaw goto

 

MARIA CECILIA B. SANTIAGO

Permalink Leave a Comment

Sisig

October 12, 2009 at 3:32 am (Uncategorized)

2007_07_FoodEngSisig

Mayroong mga iba’t -ibang luto ang mga Pinoy tlad ng luto ng mga tiga Pampanga. Mayroon akong naririnig na sabi sabi, na ang tiga  Pampanga da ang masarap gumawa ng sisig.

Ang sisig ay may halong tokwa at baboy at gumagawa rin sila ng sawsawn para ihalo ito sa tokwa at baboy. Sawsawan na may halong suka, calamansi, sibuyas, toyo, konting sili at kung lalagyan pa ng reno lalo itong pinasasarap.

Ang sisig ay pwede rin maging pulutan ng mga umiinom ng alak, adik na adik nga sila sa sisig eh at higit sa lahat pwede rin itong ulamin ng mga kumakain.

Ang sisig ay sikat na rin sa iba’t ibang lugar tulad ng lugar sa Bulacan, Maynila at meron ding mga tao sa iba’t-ibang bansa ay gusto ito.

Arlyn dela Cruz

Permalink Leave a Comment

eeeww… sarrrrrap!

September 18, 2009 at 11:54 am (Uncategorized)

      Ang dami ng nadidiskubreng pagkain sa pinas, marami na ding mga pampalasa. Ngunit wala pa din ang tatalo sa lasang taglay ng bagoong. Kahit may di kanais nais na amoy ay kinahuhumalingan pa din ng mga pinoy na gaya ko.

      Pero saan nga ba gawa ang bagoong?

      Ito ay gawa sa maliit na isda tulad ng dilis, na nilinis at ibinuro sa asin, na maaring tumagal mula ilang linggo o hanggang ilang buwan. Ito ay karaniwang kulay kape, ngunit maaari din naman itong lagyan ng ibang pampakulay. Nakasalalay sa pagkasariwa ng isda ang magandang uri ng bagoong. Pagkatapos iburo ang isda sa asin ay magiging bagoong na ito ngunit mayroong manipis na likidong makikita sa ibabaw nito, at tinatawag itong patis. Karaniwang gigamit ang bagoong sa panghalili sa asin o di kaya naman ay sa toyo bilang pampalasa ng pagkain. Madalas gamitin ng mga Pilipino ang sangkap na ito sa iba’t ibang putaheng Pilipino. May iba’t ibang parte ng bansa kung saan mayroong mga putaheng kasama ang bagoong bilang pangunahing sangkap. Ilan sa mga tradisyonal at kilalang putaheng gingamitan ng bagoong ay ang pinakbet. Kilalarin bilang sawsawan ng hilaw na mangga at singkamas ang bagoong.

 

Gawa ni: Roselle Zeta 1-B

Permalink Leave a Comment

CHICKEN NUGGETS/SAGO GULAMAN

September 16, 2009 at 9:47 am (Uncategorized)

Masasabing isa na ito sa mga mabili, popular at napapanahong

pagkaing kalye (street foods),  na gawa sa lamang loob ng

manok na iginulong sa harina at pinipirito, napaka mabili

nito dahil affordable na masarap masarap pa,

sa halagang 5 piso ay makakabili ka nito.  Inasawsaw ito

sa matamis na sauce na katulad ng sa fishball o kya naman

ay sa suka (toyo,suka,sibuyas,sili) .

foodstalls1

Matapos mo naman kumaen ng isang masarap na chicken nuggets ay

tikman naman ang masarap na SAGO GULAMAN,  ito ay isang

tinunaw na asukal na pula (arnibal) na hinaluan ng tubig,

at gulaman, napapanahon ang pagiging patok nito lalo na

pag summer at napaka init. Sa panahon ngayon

marami na ring naisip na flavor at kulay nito tulad ng

makikita sa larawan.

EFRAIM HAZEL C. REYES

Permalink Leave a Comment

Next page »